Posts

Showing posts from May, 2020

Magbabanta kay Pangulong Duterte, Pamilya aarestuhin

Image
Nagbabala sa publiko ang Presidential Security Group (PSG) na huwag pamarisan ang dalawang lalaking inaresto matapos mag-alok ng pabuya sa social media sa sinumang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante, aarestuhin ang lahat nang magbabanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte maging sa buong pamilya nito. “As we fight this pandemic, may we choose to utilize social media platforms to make useful contributions and not violate any law in expressing personal views and opinions,” sabi ni PSG chief Jesus Durante sa statement. Ayon sa PSG, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agency para i-monitor at hulihin ang sinumang gagawa ng nasabing paglabag sa batas. Naglabas ng pahayag ang PSG matapos maaresto ang isang guro at isang construction worker, na kapwa nag-alok ng reward sa sinumang papatay sa Pangulo.

Coco Martin Supalpal sa Sagot ni Harry Roque

Image
“Alam n’yo po, iyan po ang ganda ng demokrasya sa bansa. Wala po pumipigil sa karapatan niya magsalita para sa nais niyang ihayag,” Ipinagkibit-balikat lamang ng Malakanyang ang mga patutsada ng mga artista ng ABS-CBN lalo na ng ‘Ang Probinsiyano’ lead star na si Coco Martin ukol sa pagbibigay ng pabor sa pagre-resume ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa kumpara sa pagbibigay ng trabaho mula sa kompanya ng telebisyon. Sa press briefing sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na magkaiba ang tinutumbok na punto ni Coco Martin sa dalawang isyu ukol sa pagpayag ng gobyerno na maipagpatuloy ang pagsasagawa ng uri ng sugal sa bansa na POGO at ang pagpapatigil sa operasyon ng kinabibilangang istasyon. “Alam n’yo po, iyan po ang ganda ng demokrasya sa bansa. Wala po pumipigil sa karapatan niya magsalita para sa nais niyang ihayag,” ayon kay Sec. Roque. “Pero hindi po pantay ang comparison niya dahil ang POGO ay under the jurisdiction at PAGC...

Balik Eskuwela sa August 24, 2020 Inaprubahan na sa IATF

Image
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang bagong school calendar na isinumite ng DepEd o Department of Education sa paglilipat ng pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto dahil sa coronavirus pandemic. Kasunod nito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na “ang pagbubukas ng klase sa basic education magsisimula na po sa 24 ng Agosto 2020 at magtatapos ng Abril 30, 2021.” Ayon kay Roque, maaaring namang piliin ng mga pribadong paaralan na mas maagang magbukas ng klase pero kinakailangan munang gumamit ng ibang paraan sa pagtuturo tulad ng online classes at home schooling. “Gagamitin natin ang iba’t ibang learning delivery options tulad ng face-to-face, distance learning at home schooling,” ayon kay Sec. Roque. Samantala, mananatili namang suspendido lahat ng mga extra curricular activities sa mga paaralan na magreresulta sa mga pagtitipon-tipon ng maraming tao.

Lito Atienza Isinisi kay Speaker Cayetano ang Pagsasara ng ABS-CBN

Image
Dapat umanong kay House Speaker Alan Peter Cayetano dapat ibato ang sisi kung bakit biglaang nagshutdown ang operasyon ng ABS-CBN, ito ay ayon kay Buhay party-list Rep Lito Atienza. Humingi din ng paumanhin si Atienza sa publiko dahil sa hindi umano nagawa ng Kamara ang tungkulin nito nang hindi agad naaksyunan ang franchise renewal application ng higanteng TV network. “Kasalanan namin ito, kasalanan ng Kongreso ito. But more important, I’d like to say squarely, kasalanan ni Speaker Cayetano ito. Pagkukulang niya ito sa bayan. He will have a lot to explain one day. It may not be today, but later on this issue will hound him because he is the one who did not do his job,” pahayag ni Atienza. Aniya hindi niya magawang masisi ang Natoonal Telecommunications Commission (NTC) sa ipinalabas nitong Cease order laban sa ABS-CBN dahil ginagampanan lamang nito ang kanilang tungkulin. Read Full